Pakikinayam:
Ang pakikipanayam ay isang pakikipag-usap na ang mga nag-uusap ay nagbibigay o kumukuha ng impormasyon.
Walang puwang ang hindi pagkakasundo sa ganitong uri ng pag-uusap.
Ang nakikipanayam ay naglalayong makaalam ng mga bagay-bagay tungkol sa taong kinakausap ang kanyang kakayahan sa gawain, kaalaman tungkol sa mahalagang paksa, kalagayan o opinyon tungkol sa mga napapanahong isyu, at balak sa hinaharap.
Sa pakikipanayam, dapat bigyang-pansin ang mga sumusunod:
Oras - Ang pakikipanayam ay maaaring mayroon o walang limitasyon sa oras, ngunit ito ay laging may takda ng pagsisimula at pagtatapos.
Katayuan ng kasama - Ang lahat ng kasama sa pakikipanayam ay dapat bigyan ng pagkakataong makapagsalita.
Mga tanong - Kailangang maging makabuluhan ang mga tanong. Dahil dito, ang mga nakikipanayam ay dapat maghanda ng talaan ng mga itatanong bago dumating ang itinakdang panayam.

No comments:
Post a Comment