Wednesday, September 21, 2016

Anu-ano ang mga Kaugaliang Tunay na Pilipino?

"Mga Kaugaliang Tunay na Pilipino"
1.Ang pagmamano o paghalik sa kamay.
 Ang gawa sa pagkabata
 Dala hanggang sa tumanda.

2.Ang pagdarasal nang sama-sama.
 Ang mag-anak na tumatawag sa Diyos
 Sa biyaya ay napupuspos.

3. Ang pagtatawagan ng magkakapatid.
 Ang taong magalang
 Kailanman ay kinalulugdan.

4. Ang magalang na pagsagot at pagsunod sa magulang.
  Madali ang maging tao
  Mahirap ang magpakatao.

5. Ang pagsasamahan ng magkakapitbahay.
   Ang isinukat mo sa kapwa mo,
   Siya ring isusukat sa iyo.



No comments:

Post a Comment