Tuesday, October 18, 2016

Anu-ano ang mga uri ng Talumpati ayon sa Pamamaraan?

1. Dagli (Impromptu)-  hindi pinaghandaan.
2. Maluwag (Extemporaneous)- may maikling panahon na ibinibigay sa mananalumpati upang pag-isipan ang sasabihin. Hindi isinulat at hindi isinaulo ang mga sasabihin.
3. Pinaghandaan (Prepared)- isinulat, binabasa o isinaulo ang talumpati at may sapat na pag-aaral sa paksa.

Anu-ano ang mga Sangkap ng Talumpati?

1. Kaalaman
-Nararapat na maghatid ng sapat na kaalaman o impormasyon ang isang talumpati.Magiging isang kahiya-hiya ang isang nagtatatalumpati kung kulang ang kaalamang ipinahahayag.

2. Kahandaan
-Madalas na bunga ng walang kahandaan sa pananalumpati ang mawala sa kalagitnaan ng pagsasalita,matagal na pagtigil at pangangapa ng mga salita. Ang kahandaan sa pagtatalumpati ay kahalintulad ng tiwala sa sarili.

3. Kasanayan
-Ang kasanayan ay isang mabisang sangkap upang maipakita ang kaalaman at kahandaan ng isang mananalumpati.Magsanay na magsalitang malakas at maliwanag sa parang nakikipag-usap. Ang pagsasalita ng malakas at maliwanag sa harap ng salamin ay  isang magandang simulain. Sanayin din ang ekspresyon ng mukha ayon sa damdaming nais ipahayag.

Ano ang Talumpati?

-Isang akdang pampanitikan na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. 
-Isang kapakipakinabang at masining na pagtalakay ng paksa na naglalayong makahikayat sa paniniwala at paninindigan ng nagtatalumpati.