Saturday, October 29, 2016

Anu-Ano Ang Mga Uri ng Kumpas?

*Palad na itinaas habang nakalahad -(nagpapahiwatig ng dakilang damdamin)
*Nakataob na palad at biglang ibaba -(nagpapahayag ng marahas na damdamin)
*Palad na bukas at marahang ibinababa -(nagpapahiwatig ng kaisipan o damdamin)
*Kumpas na pasuntok o kuyom ng palad -(nagpapahayag ng pagkapoot o galit at pakikipaglaban)
*Paturong Kumpas -(nagpapakilala ng panduduro, pagkagalit at panghamak)
*Nakabukas na palad na magkalayo ang mga daliri at unti-unting itinitikom -(nagpapahiwatig ng matimping damdamin)
*Ang palad ay bukas paharap sa nagsasalita -(pagtawag ng pansin sa alinang bahagi ng katawan ng nagsasalita)
*Nakaharap sa madla, nakabukas ang palad -(nagpapahiwatig ng pagtanggi, pagkabahala at takot)
*Kumpas na pahawi o pasaklaw -(nagpapahayag ng pagsaklaw sa isang diwa, tao o pook)
*Marahang pagbaba ng dalawang kamay -(nagpapahiwatig ng kabiguan o kawalan ng lakas)


Anu-Ano Ang Mga Paghahanda sa Talumpati?

1. Layunin
-Mapapagpasyahan ang layunin ng talumpati ayon sa okasyon ng pagdiriwang o pagtitipon.
2. Paksa
-Tiyakin na ang paksang tatalakayin ay abot ng saklaw ng mananalumpati.Iwasan ang pagkuha ng masaklaw na paksa nang maiwasan din ang pagiging maligoy at walang patutunguhang pagtalakay. Tandaan na ang ganitong pagtalakay ay kinaiinisan ng mga tagapakinig,tinutulugan at may pagkakataong “binu-boo”.

Anu-Ano Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng Talumpati?

1. Tikas at Tindig
-Alalahanin na ang unang kumukuha ng pansin ng madla ay ang tikas at tindig.
2. Galaw at Kilos
-Gawing natural at maluwag ang bawat kilos. Nakakatulong ito sa pagbibigay diin sa mahahalagang bahagi ng paksa gayundin sa pag-iisip.
3. Kumpas
-Hindi magandang tignan sa isang mananalumpati ang madalas na  pagkumpas na wala naming ipinahihiwatig. Hindi dapat sabayan ng    buka ng bibig ng kumpas.Ang pagkumpas ay dapat may kahulugan.
4. Tinig
-Kailangang malinaw,masigla at parang nakikipag-usap lamang.