Monday, October 31, 2016

Anu-Ano Ang Mga Bahagi at Elemento ng Talumpati?

1. Pambungad o Intoduksyon 
-Layunin nito na kunin ang atensyon ng mga tagapakinig at ipakilala ang nilalaman ng mensahe. Ito ang nagsisilbing paghahanda sa mga tagapakinig sa talumpating ibabahagi. Maaaring ibahagi biilang pambungad ang isang anekdoto, o nakatatawag pansing pangayayari gaya ng pagpapatawa.
-Layunin naman ng pagpapakilala sa nilalana ng mensahe na maiugnay ito sa pangunahing ideya, magbigay ng mahahalagang impormasyon, maitatag ang kredibilidad ang tagapagsalita at maipadama sa tagapakinig ang kahalagahan ng talumpati.


2. Pangunahing Ideya 
Ito ay pagbibigay ng malinaw na direksyon ng talumpati. Ipinakikita nito ang paninindigan ng tagapagsalita kaugnay sa paksa. Halimbawa ay Nais kong tukuyin sa inyo ang mga dahilan kung bakit kinakailangang buwagin na ang PDAP. 

3. Katawan o Paglalahad
Paglalahad
-Ito ang paglalahad ng isyu at pagpapahayag ng diwa sa paksang tinatalakay.
-Kinapapalooban nito ng mga pangunaing puntos ng talumpati. 
Maaari itong isaayos sa sumusunod na pamamaraan:
*Spatial
-kung saan isinasaayos ang detalye ayon sa lokasyon (mula sa silangan patungong kanluran, timog patungong hilaga, mula sa kanan patungo sa kaliwa at iba pa);
*Kronolohikal
-nagsisimula sa isang tikay na panahon paunlad ang pagsasaayos ng mga pangyayari;
*Papaksa
-kung saan ang ideya ay isinasaayos naman sang-ayon sa mga nahagi nito;
*Sanhi at Epekto
-kung saan inilalarawan ang mga sanhi ng mga pangyayari at ipinakikilala ang epekto o bunga nito;
*Paghahambing at Pagtutulad 
-ipinakikilala ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga ideyang inilalahad;
*Suliranin
-sinusuri muna ang suliiranin at matapos ayy isinasaalang-alang ang mga solusyon nito. 

4. Paninindigan
ito ang bahaging ipinahahayag ang katwiran hinggil sa isyu. Layunin niyo ng hikayatin o mapaniwala ang mga nakikinig. Nakapaloob ito sa katawan ng talumpati. 

5.  Konklusyon
paglalahad ng lagom sa mensahe o pagganyak sa mga tagapakinig na gumawa ng aksyon. Maaaring muling banggitin ang mga pangunahing puntos upang maliwanagan ang mga tagapakinig sa paksang tinatalakay;
*Pamimitawan 
– bahagi ng konklusyon na masining na pagpapahayag ng wakas ng talumpati na nag-iiwan ng kakintalan sa isipan ng mga nakikinig.  


No comments:

Post a Comment