1. Talumpating Pampalibang
-Kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.Nagpapatawa ang nagtatalumpati sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
-Kadalasang binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo.Nagpapatawa ang nagtatalumpati sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento.
2. Talumpating Nagpapakilala
-Tinatawag din itong panimulang talumpati.Karaniwan itong maikli lalo na kung ang ipinakikilala ay kilala na o may pangalan na.Layunin nito ay ihanda ang tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa kahusayan ng tagapagsalita.
3. Talumpating Pangkabatiran
-Ginagamit sa mga kumbensyon, panayam, at pagtitipong Pansyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng mga dalubhasa.Kalimitang makikita sa mga talumpating ito ang mga kagamitang pangtulong upang maliwanagan at ganap na maunawaan ang paksang tinatalakay.
4. Talumpating Nagbibigay-galang
-Matatawag din itong talumpati ng Pagbati, pagtugon o pagtanggap.Ito ay ginagamit sa pagbibigay-galang bilang pagsalubong sa isang panauhin,pagtanggap sa isang bagong kasapi ng samahan o kasamahang mawawalay.
5. Talumpating Nagpaparangal
-Ito ay inihahanda upang bigyang parangal ang isang tao o di kaya ay magbigay-puri sa mga kabutihang nagawa. Sa mga okasyong sumusunod naririnig ang ganitong talumpati:
*Sa mga okasyong sumusunod naririnig ang ganitong talumpati:
1. Palatuntunan para sa paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan.
2, Pamamaalam sa isang yumao.
3, Paglipat sa isang katungkulan ng isang kasapi.
4. Pagpaparangal sa katangi-tanging ambag ng isang tao o pangkat.
6. Talumpating Pampasigla
-Ito’y pumupukaw ng damdamin at impresyon. Kalimitang binibigkas ito sa mga sumusunod;
*Coach sa kanyang mga manlalaro.
*Lider ng samahan sa mga maggagawa.
*Pinuno ng mga tanggapan sa kanyang mga kawani.
*Pagkatapos at magin sa mga pambayan at pambansang pagdiriwang.
No comments:
Post a Comment