1. Sa salitang inuulit.
(Halimbawa: gabi-gabi, taun-taon, paa-paano)
(Halimbawa: gabi-gabi, taun-taon, paa-paano)
2. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang-ugat ay nagsisimula sa patinig.
(Halimbawa: mag-aral, may-ari)
3. Kapag may nawawala sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
(Halimbawa: bahay na kubo = bahay-kubo, ningas ng kugon = ningas-kugon)
4. Kapag ang panlapi ay inuunlapi sa pangngalang pantangi.
(Halimbawa: maka-Rizal, maka-Kabacan)
5. Kapag ang ika ay inuunlapi sa tambilang.
(Halimbawa: ika-10, ika-28)
6. Kapag isinusulat ang yunit ng praksyon.
(Halimbawa: ¾ = tatlong-kapat, 1/3 = isang-katlo)
7. Kapag nananatili ang kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal.
(Halimbawa: dalagang-bukid, halik-Hudas)
8. Kapag nawawala ang likas na kahulugan ng dalawang salitang pinagtatambal at nagkakaroon ng ibang kahulugan, isinusulat na walang gitling.
(Halimbawa: hampaslupa, dalagambukid (isda), bahaghari (rainbow).
9. Kapag pinagkakabit ang apelyido ng babae at apelyido ng kanyang bana.
(Halimbawa: Vilma Santos-Recto, Gloria Macapagal-Arroyo)
10. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng linya.
No comments:
Post a Comment