Monday, October 31, 2016

Anu-Ano Ang Mga Hakbang sa Paghahanda ng Talumpati?

1. Pagpili at Paglilimita ng Paksa
-Dapat batid at may kaalaman sa paksa
-Kawili—wili at napapanahon ang paksa
-Limitahan ang paksa ayon sa itinakdang oras

2. Pagtitiyak sa Layunin
-ito ay naayon at naglalayong:
"Magbigay ng impormasyon na maaaring gawa sa pamamagitan ng":
*Pagbibigay ng depinisyon
*Paglalarawan
*Pagpapaliwanag
*Pagsasalaysay o pagsusuri
*Manghikayat o mang-impluwensya sa kaisipan ng tagapakinig
*Pagbibigay inspirasyon 
*Magbigay aliw sa mga tagapakinig
*Matapos na matiyak ang panllahat na layunin ng talumpati ay isunod ana isaalang-alang ang tiyak na layunin nito. Ipahalag sa malinaw na pangungusap.
"Narito ang halimbawa":
Paksa: Kahalagahan ng Paggamit ng Kontaseptibo
Panlahat na Layunin: Manghikayat
Tiyak na Layunin: Hikayatin ang mga tagapakinig na gumamit ng mga kontraseptibo upang maiwasan ang pagkakaroon ng sunod-sunod na anak. 
Paksa: Mga Opresyon
           Pangkababaihan
Panlahat na Paksa: Magbigay-impormasyon
Tiyak na Layunin: Magbigay impormasyon sa mgga tagapakinig sa iba’t ibang uri ng opresyon o pang-aabuso na nararanasan ng mga kababaihan

3.  Pagsusuri sa Tagapakinig
-Dapat isinasaalang-alang ng tagapagsalita ang katangian at ekspresyon ng tagapakinig:
Gulang
Kasarian
Katayuang sosyal
Ekonomiikal
Politikal
Pinanggalingang pangkat-etniko
Edukasyon
Propesyon, 
Relihiyon, 
Lahi
Saloobin

4. Pagsusuri sa Okasyon 
-Dapat alamin kung may tuntuning itinakda na dapat sundin. Alamin din kung gaano katagal ang dapat na pagsasalita, kung saang lugar upang malaman ang akmang istilo o paraan ng pagsasalita.
5. Paglilikom ng Materyal 
-kung di sapat ang kaalaman sa paksa ay magsaliksik, magbasa at kumuha ng karagdagang impormasyon. 

6. Paghahanda ng Balangkas Narito ang patnubay sa pagbuo ng talummpati
Paksa: Lumusang pag-alis ng PDAP 
Panlahat na layunin: Hikayatin ang tagapakinig na supurtahan naibasura ang PDAP
Pangunahing Ideya: Tuluuyang alisin ang PDAP na nagdulot ng korapsyon sa mga politico. 
 I. Panimula
Mga balita/isyu tungkol sa PDAP
Lawak at lalim ng suliranin ng PDAP kung bakit kailangang gumawa ng aksyon

(Transisyon: Hal. Tingnan kung anong nararapat gawin ng pamahalaan upanng mabigyang solusyon ang suliranin sa kurapsyon gaya ng PDAP)
II. Katawan
Mga Mungkahing solusyon sa suliranin ng PDAP
1. 
2. 
Mga Resulta/Epekto ng Pag-alis sa PDAP
1. 
2.

(Transisyon: Ibig nna banggitin muli ang mga mungkahing solusyon)
III. Konklusyon (Paggamit ng Lagom)
Pagbanggit muli sa mungkahi
Pagbanggit muli ng resulta
Paghikayat sa mga tagapakinig na magsagawa ng agarang aksyon

7. Paghahanda sa Talumpati
-kailangang isagawa ay:
Pagsasanay sa pagbigkas
Paghahanda ng balangkas
Pagbibigay pansin sa tinig, kilos at ekspresyon ng mukha
Pananamit

2 comments: